Vice Ganda, makumbinse kaya?

Tempo Desk
3 Min Read
VICE Ganda (IG)

timing box

 

 

SUNDIN kaya ni Vice Ganda ang payo ng dati niyang manager na si Ogie Diaz? Kinu­kumbise siya nito na magkaanak na dahil tumatanda na siya.

VICE Ganda (IG)
VICE Ganda (IG)

Sinabihan ni Ogie si Vice na iba ang may anak. Magbabago ang pananaw niya sa buhay. Gay si Ogie na may asawa’t mga anak na all girls. Eighteen years old na ang panganay niya.

Walang problema sa asawa’t mga anak ni Ogie na gay siya. Happy family sila.

Sey daw ni Vice kay Ogie, hindi niya kayang makipag-sex sa girl. Sey naman ng huli, may ibang paraan naman para magkaanak siya tulad ng ginawa ni Joel Cruz. Oo nga naman!

Can afford naman si Vice na magbayad ng milyones sa ba­baeng mapipili niyang maging ina ng magiging anak niya, if ever.

Abang-abang na lang kung makuku­mbinse siya ni Ogie.

 

LIZA Soberano and Enrique Gil
LIZA Soberano and Enrique Gil

PAYAG

Payag si Ogie Diaz na mag-asawa na ang alaga niyang si Liza Soberano. She is turning 22 years old next year.

Boto si Ogie kay Enrique Gil dahil matino at magalang ito. Faithful boy­friend kay Liza. Laging magkasama ang dalawa.

Sakaling gustuhin nang magpakasal ng dalawa, hindi niya pipigilan, ayon kay Ogie. Tatanungin lang daw niya si Liza kung handa na ba ito emotion­ally? Handa na ba itong puwedeng may mawala o mabawasan, gaya ng endorsement?

ANNE Curtis
ANNE Curtis

 

FANGIRL

Inggit-inggitan kay Anne Curtis ang ilang celebrities dahil dream come true na nakapag-selfie siya sa Korean heartthrob at crush niyang si Gong Yoo.

Nagpaka-fangirl si Anne noong na­kita niya ito sa store opening ng Louis Vitton Maison sa Seoul, South Korea.

Sa report ng PEP, lumapit si Anne kay Gong and introduced herself. Nag-request pa na mag-selfie siya with Gong. Hindi malinaw sa report kung bakit naroon si Anne. Invited ba siya sa ginanap na event?

 

DEREK Ramsay and Andrea Torres
DEREK Ramsay and Andrea Torres

SPOTTED

Spotted sa isang event sina Der­ek Ramsay at Andrea Torres. Go­ing strong ang kanilang relasyon at deadma lang sila sa bashers na nag­sasabing hindi sila magtatagal.

Marami ang nagwi-wish na sa kasalan hahantong ang kanilang relasyon. Birthday ni Derek sa De­cember at abangan kung may an­nouncement siya.

Share This Article
3 Comments