Julia Montes may pabati

Tempo Desk
1 Min Read
JULIA Montes (FB)

 

Coco Martin and Julia Montes
COCO Martin and Julia Montes

PATULOY ang pagpa­paramdam ni Julia Montes nitong Undas sa pa­mamagi­tan ng pagbati sa kanyang rumored boy­friend na si Coco Martin, na nagdiwang ng 38th birthday ngayon, Nov. 1.

Malaking bagay ito sa mga fans nila dahil ito ang unang beses na naglabas ng men­sahe ang dalaga kay Coco na natsismis na ama ng kanyang anak.

Simple lang ang pag­bati ni Julia kay Coco.

Kalakip ang framed pic­ture ni Coco, aniya “HBD” na may face blowing a kiss at birthday cake emojis.

Last year pa huling nakita si Julia on TV via “Asin­tado.”

Makaraang magsara ito, lumipad agad siya patungong Germany para diumano ay makipag-bonding sa ama.

Di naglaon ay pumutok ang balitang buntis daw ito at si Coco ang ama.

Nanganak na nga daw ito sa Cardinal San­tos Medical Center sa San Juan City noong Marso.

Hang­gang sa kasa­lukuyan ay hindi naglabas ng anumang pa­hayag si Julia at Coco tung­kol dito. (DELIA CUARESMA)

Share This Article
3 Comments