Isabel Granada, binubuhay sa alaala

Tempo Desk
2 Min Read
ISABEL Granada (IG)

 

ISABEL Granada and Arnel Cowley (IG)
ISABEL Granada and Arnel Cowley (IG)

BUHAY na bu­hay pa rin ang dat­ing aktres na si Isabel Granada sa social me­dia, salamat sa mga photos na ipino-post ng asawa nitong si Arnel Cowley.

Ha­los lahat ng mga photos nila noon ng aktres ay present sa kanyang Instagram.

Nang makausap ng Temposi Arnel aminadong single pa rin siya at miss na miss na ang yumaong asawa.

Sey niya, “When I miss my wife I look at old pictures hence I always put memories on my posts.”

In the process of moving on pa rin si Arnel sa sakit na du­lot ng biglaang pagkawala ng asawa noong Nov. 4, 2017.

“The pain of losing her will never go away. I learned to live with my pain so that I can go forward in life.

“My diversion would be my kids. They’re the ones that are keeping me level headed.

“I’ve also started playing sports that I enjoy so that I have an outlet so that I don’t get too depressed.”

May tattoo si Arnel ng pangalan ng asawa sa braso nito, simbolo ng kanyang pagalala dito.

Matatandaang Oct. 25, 2017 nang mag-collapse ang aktres sa isang fan meet-and-greet sa Doha Qatar.

Nagkaroon si Isabel ng brain hemorrhage dahil sa aneu­rysm at naapektuhan ang kanyang puso.

Oct. 27, 2017 nang ideklara siya ng mga doctor na brain-dead.

Nov. 4, noon taong din yun siya yumao sa edad na 41.

Naulila ni Isabel si Arnel, ang kanyang ina na si Guapa Castro-Granada, at ang anak sa unang asawang si Jericho Aguas na si Hubert. (DANTE A. LAGANA)

Share This Article