Bianca Umali, nagselos?

Tempo Desk
3 Min Read
BIANCA Umali (IG)

timing box

 

 

INAABANGAN namin kung aamin si Ruru Madrid tung­kol sa diumano’y binigay na expensive wristwatch sa kanya ni Jasmine Curtis-Smith.

BIANCA Umali
BIANCA Umali

Bilang pasasalamat daw ‘yun o appreciation ni Jasmine sa magandang working expe­rience niya with Ruru sa ginawa nilang pelikula.

May tsikang nakarating sa amin na diu­mano, hindi nagustu­han ng rumored girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali ang gift-giving.

How true kaya na ibi­nato raw ‘yun ni Bianca out of jealousy?

RURU Madrid
RURU Madrid

May gano’ng fac­tor?

Deny-to-the max si Ruru kapag tina­tanong siya sa es­tado ng relasyon nila ni Bianca. Pero si Bianca, meaningful smile ang isinasagot.

From a source, sinabi nitong ang pagiging super selosa ni Bianca ang dahilan ng break-up nila ni Miguel Tanfelix. Sobrang “nasakal” daw si Miguel sa pa­giging selosa ni Bianca. How true kaya?

SOLID PA RIN

Mukhang ceasefire muna ang Barretto sisters. Walang patutsadahan sa socmed. All Saints’ Day ngayon at kaabang-abang kung ano ang scenario sa libingan ng yumaong Daddy Miguel nina Gretchen, Marjorie at Claudine.

GRETCHEN Barretto (IG)
GRETCHEN Barretto (IG)

Nakabalik na ng Pilipi­nas si Gretchen mula sa kanyang US vacation. Mag-effort kaya si­yang dalawin ang ashes ng kanyang daddy?

Nakadalo nga agad siya sa birthday par­ty ng isang rich business­man kasama ang long-time partner niyang si Tony Boy Co­juangco at Atong Ang na ayon kay Gretchen, ay ang bago niyang “spokesperson” matapos meaning­ magpainterbyu ito sa “TV Patrol.”

Base sa mga kuha nila sa party, mukhang solid pa rin ang friendship nina Tony Boy at Atong. Palabas lang kaya?

At si Annabelle Rama, ilalabas kaya ang diumano 10-page letter na sinulat niya laban kay Gretchen?

 

TATANGGALIN NA?

How true na diumano, bilang na ang mga araw ng “Sunday Pinasaya?” Before the year ends daw ay tatanggalin na ang weekly show na ito ng GMA7.

Alam na raw ito ng cast and staff, kaya malungkot sila. Abang-abang na lang sa for­mal announcement ng Kapuso Network.

Share This Article