Ayoko maging superhero!

Tempo Desk
3 Min Read

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Hu­wag niyo nga lang seseryo­sohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

***

Hi Alex,

May naisip ako na isang scenario na mangyayari sa mun­do. Paano kung lahat tayo naging superhero. Kung papipiliin ako, si Invisible Man, para hindi nila ako makikita at kung saan-saan ako makakapasok na ba­hay. Wala rin iistorbo sa akin kapag ayaw ko makipag-usap at lahat libre na kasi hindi na­man nila ako makikita. Pwede pa ako mamboso kasi hindi nila alam na nasa loob ako ng banyo. Ikaw Tito Alex, sinong superhero ang pipiliin mo?

                                                                        Gerry ng Makati City

Hi Gerry,

Bago ko sagutin yan, may reaction lang ako sa pinili mong superhero, si Invisible Man. Kaya mo napili yan para mamboso eh di naging kontrabida ka rin! Saka mahirap maging Invisible Man! Paano kung nasagasaan ka at namatay ka, paano malalaman na patay ka na eh walang makakakita sa’yo! Magu­gulat na lang ang ibang tao kasi mapapatid sila pero wala naman silang naki­tang bagay na pumatid sa kanila! Kung ako ang pa­papiliin, kapag superhero na lahat ng tao sa mundo, magiging ordinaryong tao na lang ako para ililigtas ako ng lahat ng superhero sa mundo! Superhero na sila eh, di simpleng tao na lang ako!

***

Hi Alex,

Nasa Boracay ako ngayon at ang dam­ing mga turista. May mga puti pero talo sila sa dami ng Chinese at Koreans. Halos mag­kamukha ang Chinese, Koreans at samahan po ng Japanese. Hindi ko tuloy alam kung paano malalaman ang Japanese sa Korean at sa Chinese. Nakaka­lito! Paano ba ang magandang paraan para malaman Tito Alex?

                                                                        Sonia ng Caloocan City

Hi Sonya,

Dati, yan din ang prob­lema ko eh. Mahirap ta­laga malaman at talagang kailangan marinig mong magsalita para mala­man mo. Pero minsan kahit nagsasalita, halos parehas pa rin! Hindi mo talaga makukuha sa tingin kaya dapat amuyin mo, dun mo malalaman ang kaibahan! Ang mga Japanese, amoy sushi, ang mga Chinese, amoy mami, ang mga Korean, amoy kimchi! Pero kung talagang gusto mong malaman at masigurado, lapitan mo na lang at ta­nungin, sasagot naman sila ng maayos!

***

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]

facebook/twitter/insta­gram: alexcalleja1007

Share This Article