Respeto, hiling ni Julia Barretto

Tempo Desk
1 Min Read
JULIA Barretto (FB)

 

JULIA Barretto (FB)
JULIA Barretto (FB)

PINABULAANAN ni Julia Barretto ang alegasyon na sumali siya sa napabalitang komprontasyon ng ina na si Marjorie Barretto at tiyahin na si Claudine Barretto na nauwi sa sakitan.

Ayon sa mga report nang­yari ito sa burol ng yumaong Barretto patriarch na si Miguel “Mike” Bar­retto noong gabi ng Oct. 17.

Isa sa mga kasama ni Clau­dine ng gabing iyon, si Ruby Baguhin, ang nagsabing kasali diumano si Julia nang magkasakitan ang magkapatid.

Pero diin ni Julia sa interview niya kay Mario Dumaual, ABS-CBN entertainment news reporter: “Wala pong katotohanan.”

Bukod doon ayaw nang mag­salita pa ng aktres sa isyu.

Aniya, “Yung mga magkakapatid lang po makakasagot niyan. I can­not speak for them. Hindi ko po laban, e. I don’t have the right to speak for any of them.”

Sunud-sunod na araw nang laman ng mga pa­hayagan ang mga Barretto sanhi nga ng kanilang masidhing bangayan.

Obvious na punumpuno na si Julia sa mga samu’t saring usap na lumalabas hinggil dito.

Apela nga niya sa publiko, “I think it’s also nice if everybody would give the family the privacy and the respect to resolve their issues.” (Delia Cuaresma)

Share This Article
98 Comments