Glaiza de Castro hindi pa kasal

Tempo Desk
2 Min Read
GLAIZA de Castro (IG)

 

GLAIZA de Castro (IG)
GLAIZA de Castro (IG)

NAGKAROON ng big welcome sa musi­cal variety show na Studio 7 ang actress-singer na si Glaiza de Castro last Sunday.

Nagbalik siya sa show after niyang matapos ang pag-aaral sa Point Blank Music School sa London.

Maraming isiniwalat si Glaiza sa show.

Isa na rito ang pana-naw ng Irish boyfriend niyang si David Rain­ey tungkol sa pagig­ing celebrity niya.

Aniya, “Since hindi siya kasi galing dito siyempre medyo naive pa siya dun sa kultura natin kailangan kong i-explain sa kanya bakit ganito ang bagay bagay bakit malayo yung mga pinupuntahan ko at bakit may nagpapa-picture.”

Aminado din si Glaiza na isa siyang selosang girlfriend.

Napagusapan na rin daw nila ng BF na if ever siya ang titira dito. Never daw kasing na-imagine ni Glaiza na tumira sa ibang bansa.

At wala raw naganap na secret wedding between them. Malayo pa raw sa isp niya ang magpakasal.

Kung bakit hindi siyang pi­nopost na naka-two piece swimsuit sa social media ito ay sa kadahilanang ayaw daw ng nanay niyang makitang tila labas na ang kalu­luwa niya.

Natanong din siya kung may time ba na nagsuplada siya sa mga fans. Oo, ang mabi­lis na sagot ni Glaiza.

Ito raw any nagyari one time na kumakain siya at may gustong magpa-picture. Ayaw na ayaw daw ni Glaiza ang ganoon.

So alam na. Huwag magpapapicture ng kumakain si Glaiza. Hintayin na lang matapos kumain. Ganun! (DANTE A. LAGANA)

Share This Article
Leave a Comment