Bitter?

Tempo Desk
3 Min Read
RURU Madrid

timing box

 

 

PAREHONG produkto ng “Protégé’: Battle for the Big Artista Break Season 2” in 2012 sina Jeric Gonzales at Ruru Madrid. Si Jeric ang tinanghal na big winner. Runner-up si Ruru.

Sa isang recent interbyu, sinabi ni Ruru na alam naman daw ng lahat ang tunay na nanalo sa “Protégé’.”

Huh? Bakit ngayon lang siya nag-ingay? Seven years ago na ‘yun. Bitter-bitteran?

RURU Madrid
RURU Madrid

Samantala, cool lang si Jeric about it. Inisip na lang niya na baka nagbibiro lang si Ruru. Nirerespeto niya kung anuman ang paniniwala nito.

Kung tutuusin mas nabigyan nga ng magagandang projects si Ruru pero tahimik lang si Jeric.

Sa huling interbyu namin sa kanya, inamin niyang medyo nagtampo siya sa GMA. Gusto na niyang mag-rebelde. But there came a point na nabigyang-pansin din ng network ang kakayahan at potensiyal ni Jeric. Naging sunud-sunod ang projects niya.

Nagpe-pay-off na ang pagsisikap at pagtitiyaga ni Jeric. Lead role na siya sa isang upcoming teleserye, katambal si Klea Pineda.

 

TOMBOY?

Natsitsismis na diumano’y tom­boy si Klea Pine­da. Tinatawanan lang niya ito na aniya, boyish kasi siya. Mahilig sa mga larong panlalaki.

KLEA Pineda (IG)
KLEA Pineda (IG)

Mahilig siya sa motorbikes at car rac­ing. Paborito niyang get-up ang t-shirt, jeans, with rub­ber shoes and cap.

Dream niyang maging beauty queen. Why not? Beauty queen ma­terial si Klea. Maganda, matang­kad, may sexy body at talented.

 

NATUTUNAN

Nagtapos na kahapon ang “Dahil sa Pag-ibig” at naibahagi nina San­ya Lopez, Benjamin Alves, Winwyn Marquez at Pancho Magno ang mga natutunan nila sa show.

Si Sanya, natutunan na ang bu­hay ay puno ng mga pagsubok pero kailangang lumaban sa abot ng makakaya. At kung may masasak­tan na, kailangang magparaya.

Sabi naman ni Benjamin, ma­halaga ang pagmamahal sa pamilya. “Marriage is a lot of work. Fight for the one you love.”

Si Winwyn ang sabi, “You have to learn to let go even if you love some­one, if alam mo na mali na.”

Si Pancho na­man, “Being a father, you will do anything, ev­erything for your children.”

Share This Article
Leave a Comment