Jinri Park hindi nababayaran

Tempo Desk
1 Min Read
JINRI Park (IG)

 

JINRI Park (IG)
JINRI Park (IG)

NAGPUPUTAK sa social media ang seksing Korean actress-model na si Jinri Park.

Sey niya sa Twitter: “Why can’t clients pay on time yet demand so much from talents.”

Wala naman bi­naggit si Jinri na mga shows o kumpanya.

Patuloy niya, “Clients demand so much profes­sionalism from talents yet they lack so much of it them­selves.”

Puwede rin daw niya banggi­tin kung sino ang tinutukoy niya pero “I’m still being profes­sional and patiently waiting.”

Pero tila may pagbabadya siyang dagdag, “Now 3-4years of waiting. Don’t know how much longer I can wait.”

Marami sa kanyang followers ang nagpahayag ng suporta kay Jinri.

May ilan sa mga ito ang nagsabing magsumbong na siya sa mga awtoridad.

Gawin kaya ni Jinri? Eh pano kung tuluyan siyang mawalan ng trabaho?

Hawig ito sa problema ni Ethel Booba na ka­makailan lang ay ibinulgar na hindi pa rin siya diuma­no nababayaran ng production ng “Minute To Win It” at “Gandang Gabi Vice” ilang buwan matapos mag-appear siya sa mga shows na ito.

Hay naku! (DELIA CUARESMA)

Share This Article
1 Comment