Angelica Panganiban, inis sa trapik

Tempo Desk
2 Min Read

 

ANGELICA Panganiban (IG)
ANGELICA Panganiban (IG)

RAMDAM na ramdam ng magal­ing na aktres na si Angelica Panganiban ang perwi­syong dinudulot ng mat­inding traffic sa ka-May­nilaan.

Ito nga at panay ang tweet niya ukol dito.

Aniya “Tao tayo. Mamayanan tayo. Bakit wa­lang choice? Bakit mo ta­tanggapin ang hindi tama? In this life time hindi tayo aalma sa traffic?”

Ng-com­ment pa ng simpatiya ang aktres ng “I feel you…” sa isang netizen na ang sabi ay “swerte ka pa mamsh kasi nakakotse. Kami madalas standing sa bus 3 hours minimum. Haayst.”

Sinundan pa ito ng magkasunod na tweet ng aktres na: “Tapos, walang care yung gov­ernment? Naglalakad lang ba sila papuntang work? Or nakakalipad nang hindi natin alam?”

“So yung buhay natin, ka­lahating naubos sa kotse, kalahating stressed? Question… tatanggapin na lang ba natin ang sistema ng traffic ng bansa natin?”

Comment ng ne­tizen sa tweet ni Angelica “Sana maraming ka­gaya mo na may bo­ses ang may la­kas loob. Dami kasi na masyadong comportable na ang buhay – wala na lang sil­ang pake.”

Hmmm, dapat na bang i-assign sa traffic bureau si Angelica?

At kelan naman kaya siya magko-comment ukol sa balitang mag­jowa na raw si Derek Ramsay at Andrea Torres? Just asking lang naman. (DANTE LAGANA)

Share This Article
3 Comments