Kris Bernal, hacked

Tempo Desk
2 Min Read
KRIS Bernal

 

KRIS Bernal
KRIS Bernal

GALIT na galit si Kris Bernal sa mga hackers ng kanyang social media accounts.

Aba’y hindi daw ito nakun­tento na bigyan siya ng sakit sa ulo, hinihingan pa siya ng halos R40,000!

Wow, huh!

Si Kris mismo ang nagsapubliko nito sa pamamagitan ng isang video na uploaded na sa YouTube nitong Linggo.

Sa pamamagi­tan ng What­sApp, tinawagan umano ng mga hackers si Kris upang hingan ng $750 para maiba­lik sa kanya ang kontrol sa kanyang social media ac­counts, kasama na ang kanyang email, Instagram, Twitter, at Facebook accounts.

Ani Kris, “Ginawa ko na lahat… everything… pero hindi ko na siya ma-retrieve.”

Hindi niya maiwasang maging emosyonal dahil pinaghirapan niya ang la­hat ng laman ng kanyang social media accounts.

Sey niya, “I mean, I only got like 1.4M followers. It’s not as much as others but it took like how many years to get those.”

Dagdag pa ni Kris, “I started vlogging and everything da­hil gusto ko magkaroon ng social media aware­ness. Gusto ko maging malakas sa social me­dia because alam ko pag TV talagang may viewers na talaga ako sa TV. Pero sa social media, gus­to ko ma-capture yung audience na ‘yon. Tina-try ko talaga yung best ko, like, every single day, I post something that is interest­ing. Ini-squeeze ko lang talaga siya sa schedule ko.”

Nanawagan ang aktres sa si­numang maaar­ing magbigay ng tulong sa kanya.

“If there’s someone who could help me retrieve my ac­count, please help.” (Delia Cuaresma)

Share This Article