Nagparamdam muli si John Lloyd Cruz

Tempo Desk
2 Min Read
JOHN Lloyd Cruz (FB)

first timer

 

 

SPOTTED si John Lloyd Cruz among the crowd na nanood ng stage musical na “Himala.”

Maayos ang hitsura niya at sa Facebook photos ni Atty. Joji Alonso, tila si Bea Alonzo ang kasama niya, huh!

JOHN Lloyd Cruz (IG)
JOHN Lloyd Cruz (IG)

Balitang babalik na sa showbiz si Lloydie matapos mag-semi-retire.

Ito kaya ang dahilan kaya nagpaparamdam na rin siya sa showbiz events?

Lumabas ang pagiging fan girl ni Yasmien Kurdi nang makita nito si Lea Salonga sa show na “Ang Musika ni Ryan (Ang Soap Opera ng Buhay Ko).”

Nagpakuha si Yas ng litrato kasama si Lea at pinost niya agad ito sa kanyang Facebook page.

“Ms. Lea pagpasensiyahan n’yo na talaga…every time nakikita ko kayo, nanginginig, naiiyak at nasa-starstruck talaga ako sa inyo.

“May time pa dati na sinundan ko kayo s a mall habang namimili.

“Salamat po sa pictures at sa hug niyo sakin. Grabe bukod napakaganda at bait nyo ang husay husay nyo talaga.

YASMIEN Kurdi and Lea Salonga (IG)
YASMIEN Kurdi and Lea Salonga (IG)

“I love you, Ms. Lea!!!! #UltimateFemaleIdol.”

Tunay na big fan ni Lea ang isa sa mga bida ng Kapuso series na “Beautiful Justice!”

Isa si Lea sa performers sa show na tribute kay Maestro Ryan Cayabyab na ginanap nitong mga nakaraang araw sa Philippine International Convention Center.

Ilan sa kinanta ni Lea ay ang hit song ng grupong Smokey Mountain na “Kailan” at ang theme song ng coming Southeast Asian Games.

Share This Article
Leave a Comment