Marian Rivera pa-dede Queen

Tempo Desk
1 Min Read
MARIAN Rivera (IG)

 

MARIAN Rivera (IG)
MARIAN Rivera (IG)

WALANG tatapat kay Marian Ri­vera sa pagpapa-breastfeed.

Aba’y kinakarir talaga nito ang pagpapa-dede.

Mantakin mong hindi lang ang baby niyang si Ziggy ang pinadedede nito?

Opo, nag-dodonate si Marian ng ga­tas sa ibang nanay na hindi gaanong nakakapag-produce ng gatas para sa kanilang sanggol.

Saan ka pa?

At para mapanatiling sapat ang labas ng gatas sa kanyang mga suso, nagnonobena raw si Marian kasama ang buong pamilya sa Our Lady of Milk o Nuestra Señora de la Leche.

Shinare pa nga niya ito re­cently sa social media.

Aniya, “I prayed to Our Lady of the Milk to help me produce more milk so I can provide for Ziggy. I know that I’m not the only mom whom she has helped and we’re all filled with gratitude. Kaya mga nanay, don’t lose hope, miracles do happen. Sala­mat Mama Mary sa biyaya at pagpapala. #Pade­deMo, #TribuNiYan.”

Kaya naman pala truly blessed si Marian at ang pamilya nito – mapagbigay sila sa nangangailangan.

Go, go, go, Marian! (DELIA CUARESMA)

Share This Article