Bianca Umali looking for sponsors

Tempo Desk
1 Min Read
BIANCA Umali

 

BIANCA Umali
BIANCA Umali

MARAMING kabataan ang tumitingala sa Kapuso star na si Bianca Umali.

Ito ay hindi lang da­hil sa mahusay niyang pagganap ng palaban na Badjao sa patok na teleseryeng “Sahaya.”

Bagama’t maraming magandang katangian si Sahaya tulad na ang hangad nitong makamit ang kumple­tong edukasyon sa likod ng paghihirap na dinaraanan, ki­nagigiliwan ng mga tao si Bianca dahil tila passionate na ta­laga ito pagdating sa usaping edukasyon.

Ito nga ang dahilan kung bakit itinalaga siyang Ambassador for Education ng World Vision.

Sa ngayon ay tumutulong si Bi­anca sa campaign ng World Vision na “1000 Girls.”

Ang goal ng 1000 Girls ay ang makakuha ng sponsors para sa pag-aaral ng isang libong ka­bataang babae bago sumapit ang International Day of the Girl on October 11.

Taker note, may sariling spon­sored child si Bianca mis­mo at natutuwa siya na sigurado na ang pag-aaral nito.

Wish ni Bianca na marami pa ang tumugon sa kanil­ang kampanya. (RUEL J. MENDOZA)

Share This Article
2 Comments