Ejaculate

Tempo Desk
4 Min Read

 

rica cruz - sexy mind answers

Hi Ms. Rica,

Thirteen-years-old pa lang po ako. Gusto ko po sana magtanong kung ano po ang nangyari sa akin. Kahapon po kasi, pinaglaruan ko po ang manoy ko. Tapos po, ginalaw ko nang ginalaw at may naramdaman po akong kakaiba na parang hindi po normal.

Hindi po ako nakahinga nang maayos. Nagkaroon po ng pulso si manoy tapos po may lumabas na parang puti at malapot. Mala­kas din po ang kabog ng dibdib ko. Ano po ba ito?

                                                                                                                First Timer

 

Hi First Timer!

First of all, congratulations on your first conscious, normal, and healthy experience of ejaculation! Oo, ang naramdaman mo ay normal lamang. Kung tinanong mo ang mga kaibigan mo, malamang, sasabihin nila sa iyo na may naramdaman na rin silang ganiyan kapag naglalaro sila ng kanilang penis or nagma-masturbate.

Normal ‘yan na pinagdaraanan ng la­hat, babae man o lalake. Masturbation is a common and perfectly healthy part of our sexual functioning.

Kung ang tanong mo ay kung ano ang lumabas sa iyo, ang tawag diyan ay semen o ejaculate. Sa Filipino, ito ay kadalasang tinatawag na tamod.

Gawa sa iba’t-ibang fluids ng iyong reproductive system ang ejaculate. Mayroon itong sperm, proteins, sug­ars, Vitamin C, alkaline fluid, at kung anu-ano pa. And laman na sperm sa ejaculate ang nakakabuntis kapag na­kikipagsexy time.

Ang naramdaman mo naman na sabi mong parang kakaiba – hindi ka makahinga, at malakas na tibok ng puso ay madalas na kasama ng pag-oorgasm. Ang orgasm ay isang reflex na nakakaapekto sa buong katawan, lalo na kung ito ay intense!

Pero kadalasan ay mararamdaman mo ito around your penis, anus, and testicles or balls. Kaya nagkaroon ng pulso ang penis mo dahil sa muscle contractions na nangyayari para makapagtravel ang sperm galing sa iyong testicles, papunta sa iyong sem­inal vesicles at prostate, paakyat sa iyong urethra and palabas sa butas ng iyong penis na tinatawag na urethral opening.

Kaya rin malakas ang kabog ng dib­dib mo ay dahil ang puso mo ang nag­pupump ng dugo sa iyong penis para ito ay tumigas. Pwede ring habang nagmamasturbate ka ay kinakabahan kang mahuli ka o di kaya, baka naman in love ka. 😛

In love ka man o hindi, ang naram­daman mo na quick breathing, throbbing penis, rapid heartbeat, at ejaculation ay all signs na ikaw ay nag-orgasm, kaya congratulations again! Woohoo, exciting!

Madami ka pang mga maeexperi­ence na bago about yourself and your sexual self habang tumatanda ka. Maigi na huwag kang mahiyang mag­tanong at pagaralan ang nangyayari sa katawan mo para mas mapaginga­tan mo ito. Good luck!

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me on Twit­ter or Instagram: @_ricacruz.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

Share This Article
292 Comments