Cherie Gil: ‘Si Valentina naman’

Tempo Desk
2 Min Read
CHERIE Gil (IG)

 

CHERIE Gil (IG)
CHERIE Gil (IG)

MAY suggestion ang Gawad Urian best supporting actress at “StarStruck 7” council member na si Cherie Gil sa walang kata­pusang search sa gaganap na bagong Darna.

Suggest nito na gawan na lang ng pelikula ang kaaway ni Darna na si Valentina.

“Since wala pa silang mapiling gaganap na Darna, why not make a movie about Valentina? For a change, ‘yung kon­trabida naman ang gawan nila ng pelikula, ‘di ba?” sey ni Cherie sabay tawa.

Ani Cherie, uso naman na daw ito, lalo na nga sa Hollywood.

“Just like Malefi­cent. Hindi ba siya ang kontrabida ni Sleeping Beauty? Pero she has her own movie at si Angelina Jolie pa ang gumanap. At may part two na siya.

“Maybe it’s time na bigyan naman nila ng back story si Valentina. Kung saan siya nagmula at bakit siya naging kontra­bida ni Darna.

“I’m very sure na maraming interesado sa project na ‘yan.

“Darna is Darna. Marami na siyang naging peliku­la. Let’s give Darna a rest at ang mga kontrabida naman ang gawin bida this time,” sey pa ni Cherie.

Gumanap si Cherie bilang Valentina sa “Darna” movie noon ni Anja­nette Abayari na “Darna: Ang Pagbab­alik” na dinirek nila Peque Gal­laga and Lore Reyes. (RUEL J. MENDOZA)

Share This Article
172 Comments