Pageant winner retokado?

Tempo Desk
1 Min Read

 

kampupot

USAP-USA­PAN ang pagkaka­panalo ng naging pam­bato natin sa isang pageant na ginanap sa ibang bansa dahil sa kanyang physical looks.

Ayon sa source hindi raw natural ang hit­sura nito at produkto raw ito ng “salamat doktor.”

Ibang iba raw kasi ang hitsura nito noong kabataan pa niya. Ang laki raw ng pagba­bago kung pagbabasehan ang hitsura niya noon at ngayon.

Dagdag pa ng source, sure na may pina­gawa raw o pinaayos sa ilang parte ng mukha nito na lalong nagpaenhance sa pak na pak niyang pagmumukha ngayon.

Ikinumpara tuloy siya sa dating nanalo rin ng title ng parehong international pag­eant na wala raw pinagalaw o pinaayos at natural na natural ang angking hitsura.

May dagdag pang kuwento ang source tungkol sa ating pageant winner. Diumano’y minsan ding naging ka-close daw nito ang isang aktor na pasulpot-sulpot sa mga teleserye sa isang higanteng network.

Anyway, wala namang masama kung may ipapaayos ka sa mukha basta ba huwag na­man ‘yung halos hindi ka na makilala.

Ang importante, may magandang kinahi­natnan ang maganda mong awra ngayon. Kaya awra pa more. (DANTE A. LAGANA)

Share This Article
Leave a Comment