Bianca Umali feel mag-Darna?

Tempo Desk
1 Min Read
BIANCA Umali (IG)

 

BIANCA Umali (IG)
BIANCA Umali (IG)

HOW true kaya na nag-audition si Bianca Umali para sa “Darna” movie project? Hindi raw nag­paalam ang young actress sa Ka­puso Network, kaya paiimbesti­gahan ito ng GMA Artist Center.

Come to think of it, bagay mag-Darna si Bianca. Morena beauty siya at pasok na pasok sa age requirement na 18 to 25 years old. She’s only 19. She can act at kering-keri niyang mag-action, hindi pa mukhang lampa.

Isa pang Kapuso star ang bagay na mag-Darna ay si Sanya Lopez. Morena rin siya at pasok din sa age requirement. She’s 22 years old.

Keri rin ni Sanya mag-aksyun-aksyunan na ginawa niya sa “Encantadia” noon sa GMA. (ROWENA AGILADA)

Share This Article
281 Comments