JM, Barbie break na?

Tempo Desk
3 Min Read
JM de Guzman and Barbie Imperial (IG)

timing box

 

 

HUWAG naman sanang bumalik sa dati niyang bisyo si JM de Guz­man dahil sa balitang diumano’y break-up na sila ni Barbie Imperial.

JM de Guzman and Barbie Imperial (IG)
JM de Guzman and Barbie Imperial (IG)

Diumano, unang napagbuntu­nan ni JM ang masamang bisyo noong nag-break sila ni Jessy Mendiola. Hindi daw nakayanan ni JM ang heartbreak kaya nag­kaganun.

This time, sana’y maging matatag si JM. Huwag siyang patalo sa kinahantungan ng kanilang relasyon ni Barbie at mag-focus na lang sa kanyang career.

Sayang naman ang mga maga­gandang breaks na tinatanggap niya. Huwag sanang hayaan ni JM na muling masira ang buhay niya nang dahil lang sa babae.

 

GABBI Garcia and Khalil Ramos (IG)
GABBI Garcia and Khalil Ramos (IG)

MALABO NA

Tanggap na ng GabRu fans na malabo nang magkabalikang ang kanilang mga iniidolong sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Obvious naman na may some­thing si Gabbi at Khalil Ramos. Itong huli nga ay umamin na si Khalil na one year na silang ex­clusively dating ni Gabbi.

Sa wedding nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, magkasama sina Gabbi at Khalil. Sweet-sweetan sila sa lumabas na photos sa socmed.

Ang dating ka-love team ni Gabbi na si Ruru Madrid ay hindi rin mapigilan ang pakikipagkita kay Bianca Umali. Wala pa rin silang inaamin sa tunay na na­mamagitan sa kanila.

May RuBi fans nang nabuo na humihiling na pagtambalin sina Ruru at Bianca sa isang GMA series. Sorry na lang dahil nabali­taan naming si Miguel Tanfe­lix pa rin ang katambal ni Bianca sa isang upcoming se­ries.

 

ENJOY!

Na-expe­rience rin namin ang manood sa Kapamilya Theater sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma noong Christmas Party for the press ng Kapamilya Net­work. Gumagalaw ang mga up­uan habang nanonood kami suot ang 3-D glasses na feeling mo, nilalapitan ka ng pinanonood mo.

Truly, nag-enjoy ang press sa iba’t ibang attractions at games. Earlier in the day, nagpa-Christ­mas Party din for the press ang Star Magic ng ABS-CBN. Lahat ng invited ay umuwing may bitbit na loot bag.

Naunang nagpa-Christmas Party for the press ang GMA7 last week. Noong mga nakara­ang Kapaskuhan, “ngarag-ngaragan” ang press sa kabi-kabilang Christmas Party. Those were the days.

Share This Article