Asar-talo

Tempo Desk
1 Min Read

kampupot

 

NAG-NGINGITNGIT ang isang talent ng isang malaking show ng matsugi siya rito ng bigla kamakailan.

Ang siste, ginulat daw siya ng management at wala man lang pasabi bago siya sinibak.

Alam niyang mababago ang format ng show at maraming matsutsugi rito to give way sa isang bagong lipat na artist pero hindi niya inakalang unang-una siya sa listahan ng tatanggalin.

girl singer question

Matagal na ring naninilbihan as host itong singer-aktres at hindi niya inakala na kaya siyang itapon ng ganun na lang ng management.

Ngayon nga daw ay nagpapalano itong rumesbak against the network by signing up with its rival.

Marami ang natawa rito dahil may katandaan na rin ang singer-aktres at too late na daw para magsimula itong muli. Oh well… (DELIA CUARESMA)

Share This Article
Leave a Comment