Kakandidato ba o hindi?

Tempo Desk
3 Min Read
WILLIE Revillame

rowena agilada timing

 

 

 

 

 

NAGSALITA na ng ta­pos si Willie Revillame na hindi siya kakandi­dato sa 2019 mid-term elections. Hindi raw niya maiiwan ang “Wowowin.”

WILLIE Revillame

Pero may umiikot na namang tsismis na diumano, iiwan na ni Willie ang “Wowowin.” Nakapag-desisyon na raw siya na pasukin ang pulitika.

 

Ayon sa tsika, ayaw tantanan ng ilang pulitiko si Willie. May mga humihikayat daw na kumandidato siya bilang mayor ng QC.

Kapag nakapag-desisyon na raw si Willie ay maihahabol pa rin ang kanyang kandidatura sa bisa ng substitution. Hanggang Nov. 29 daw ‘yun dahil hindi siya nakapag-file ng Certificate of Candidacy.

May ilang araw pang hihintayin para malaman natin kung kakan­didato nga ba o hindi si Willie. Abang-abang na lang.

 

KRISTOFFER Martin with girlfriend AC Banzon (IG)
KRISTOFFER Martin with girlfriend AC Banzon (IG)

Birthday boy

Sa Japan nag-celebrate ng kan­yang 24th birthday si Kristoffer Martin kasama ang non-showbiz girlfriend niyang si Alyssa Celine (AC) Banzon.

November 20 ang birthday ni Krist­offer at regalo niya sa kan­yang sarili ang Japan trip na ‘yun.

Huli siyang napanood sa “Victor Mag­tanggol” at nagtatanong ang kanyang fans and support­ers kung ano’ng next project niya sa Kapuso Network. May parinig si Kristof­fer na bigyan naman siya ng pag­kakataong maipamalas niya ang kanyang kakayahan.

May blind item noon na diu­mano, hinihintay lang ng isang young actor matapos ang seryeng kinabibilangan nito at mag-o-ober da bakod na ito. Ikaw ba ‘yun Kristoffer?

 

MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali
MIGUEL Tanfelix and Bianca Umali

Pasaway

Sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali pa rin ang magkasama sa Christmas Station ID ng GMA Network. May ginagawa rin silang pelikula, kaya hop­ing pa rin ang BiGuel fans na mag­kakabali­kan sina Miguel at Bi­anca. Kaya?

Eh, lan­taran na ang pagsasa­ma nina Ruru Madrid at Bianca. Spotted nga sila together sa isang restaurant sa Japan kamakailan. Magkasama rin sila nagbakasyon sa Siargao.

How true na diumano, pinagsabi­han sila ng GMA management na maging discreet sa kung anumang namamagitan between them para hindi masira ang BiGuel love team? Pero pasaway sina Ruru at Bianca na hindi maawat sa pagsasama off-camera.

May matching tattoos pa sila at matching necklaces. Wala naman silang inaamin sa estado ng kani-lang relasyon.

Share This Article
1 Comment