Bahala na si Cardo Dalisay

Tempo Desk
3 Min Read

 

 

alex

ANG column na ito ay gina­wa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, la­hat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Nabalitaan ko na nir­ereklamo na ng kapulisan ang palabas sa ABS CBN na “Ang Probinsiyano” ni Coco Martin. Sumasama na raw ang image nila dahil sa mga pinapalabas ng “Ang Probinsiyano.” Masyado raw masama ang mga role ng pulis kaya pati sa tunay na buhay ay napapasama ang mga pulis. Pinapabago na raw ng kapulisan ang kwento ng Ang Probin­isyano para mapabuti ang imahe nila. Alam kong taga-ABS CBN ka, ano ang masasabi ng mga namama­hala ng “Ang Probinsiyano”?

Melencio ng Pasay City

Hi Melencio,

Taga-ABS CBN ako pero hindi ko alam ang reaksyon ng mga namamahala sa palabas na “Ang Probinsiyano.” Pero alam naman natin na ito ay isang palabas lang, kathang isip at gawa-gawa lang ng isang manunulat. Kung ano ang reaksyon na nababasa niyo sa social media, yun na rin ang reaksyon ko. Pero concern lang ako na baka magreklamo na rin ang ibang mga grupo. Baka ang sumunod na magreklamo ay ang grupo ng mga adik. Baka magreklamo sila na masy­adong nasisira ang image nila dahil sa masamang papel nila sa mga teleserye at pelikula. Baka sumunod na magreklamo ang mga holdaper, kidnapper at pusher. Baka magreklamo sila na masyadong pinapasama ang image nila dahil sa mga palabas! Maaring magreklamo ang mga kabit dahil sobra silang pinapasama sa palabas na Ha­lik! Delikado kapag nagreklamo na ang ibang grupo! Abangan natin!

*  *  *

Hi Alex,

Nagpacheck-up ako dahil masama ang pakiramdam ko. Sinabihan ako ng doktor na kailangan ko magbigay ng urine sample. Nagpasa ako pero hindi tinanggap dahil kulang daw. Umulit ulit ako pero tinanong ako kung ang kinuha ko raw ba ay ang mid-stream o yung kalagitnaang parte ng ihi! Nakakainis dahil ang hirap na nga umihi, ang dami pang request! Bakit ba kailangan na mid-stream ang ihi na ipapasa?

Gabriel ng Quezon City

Hi Gabriel,

Hindi ko rin alam! Nagre­quest din ang doctor ko dati ng midstream ang ginawa ko, pinasa ko lahat. Pinuno ko, todo bigay! Tapos, sinabi­han ko yung nurse na sila na maghanap ng mid-stream!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alex­[email protected] face­book/twitter/instagram: alex­calleja1007

Share This Article
Leave a Comment