Masama ang loob?

Tempo Desk
2 Min Read
JANNO Gibbs

 

rowena agilada timing

 

 

 

 

 

TAMPU-tampuhan si Janno Gibbs na wala siya sa bagong Christmas Station ID ng ABS-CBN para sa taong kasalukuyan. Nag-post siya ng message sa socmed na huwag daw siyang hanapin sa Christmas Station ID at wala siya rito. Bakit nga ba wala si Janno sa station ID ng Dos? Hindi rin siya kasama sa ni-reformat na “ASAP Natin ‘To.”

JANNO Gibbs
JANNO Gibbs

Nang mag-reformat ang show at marami ang natanggal na miyembro, suggestion ng kanyang fans and supporters, sana’y naipasok dito si Janno dahil certified singer naman siya. Pero tila wa epek ito sa producers ng show.

Si Regine Velasquez ang bumibida ngayon sa Kapamilya Network. Super duper ang importansiyang ibinibigay sa kanya since nag-balik siya. Matulungan niya kaya si Janno makakuha ng show sa Dos?

 

 

KYLIE Padilla, Aljur Abrenica, and son Alas
KYLIE Padilla, Aljur Abrenica, and son Alas

Natuloy ba?

Walang balita kung natuloy ang civil wedding nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Walang lumalabas na wedding photos nila sa socmed. Nabalita noon na Nov. 18 ang kasal nila somewhere in Bataan.

Ang nakita namin ay photo nila kasama ang anak nilang si Joaquin Alas na kuha sa second birthday party ni Isabella Padilla, anak nina Robin at Mariel Padilla. Nov. 18 ginanap ang affair sa isang events place sa Taguig City.

Hindi kaya naiba ang wedding date nina Aljur at Kylie? Just asking.

 

MARIAN Rivera, Dingdong Dantes, and daughter Zia.
MARIAN Rivera, Dingdong Dantes, and daughter Zia

B’day treat

Trip to Tokyo Disneyland ang treat nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa anak nilang si Zia sa 3rd birthday nito. Sa Nov. 23 ang birthday ng bagets at sa Tokyo, Japan siya magse-celebrate ng kanyang birthday. May bonus pang birthday gift sa kanya ang kanyang Daddy Dingdong at Mommy Marian: magkakaroon na siya ng kapatid. Hula ng nakararami, baby boy ang isisilang ni Marian sa March 2019.

Share This Article
70 Comments