Veteran actor patay sa fake news

Tempo Desk
1 Min Read

 

IAN Veneracion
IAN Veneracion

NAGKWENTO ang Kapamilya star na si Ian Venera­cion na naging bikitma rin daw siya ng fake news.

Ito ay nang kumalat ang balitang patay na raw siya.

“Nagmo-motor ako that day. Then umuwi ako sa ba­hay. Nakita ko ‘yung dalawa kong anak na lalaki nagvi-video game. Hindi ako pinansin ‘di ba? Tapos tiningnan ko ‘yung phone ko. Nakita ko ‘uy patay na daw ako,’” ayon kay Ian sa kanyang panayam sa “Tonight With Boy Abunda.”

Dagdag pa ni Ian, naging worried ang kan­yang mga mahal sa buhay at mga fans sa balita.

Nag-suggest pa diumano ang kanyang anak na idemanda ang mga taong nag-imbento ng fake news.

“All my friends were medyo worried. My daughter, she was like you should sue these people,” sabi ni Ian.

Pero siya personally, hindi naapektu­han.

“I have no issues with death,” aniya. (Robert R. Requintina)

Share This Article