‘Darna’ tuloy pa rin

Tempo Desk
2 Min Read
LIZA Soberano

 

By ROWENA AGILADA

 

TULOY pa rin ang ‘Darna’ movie ni Liza Soberano matapos mag-resign ang direk­tor nitong si Erik Matti. For him, perfect choice si Liza para sa makabagong Darna. Bilib siya sa ginagawang prepa­rations ng dalaga for her role. Nag-intense training si Liza sa martial arts at talagang kinarir niya ang pagpapapayat. Anyway, si Jerrold Tarog na ang direktor ng ‘Darna’. Sana tuluy-tuloy na ang proyekto.

 

Hiwalay na

Nakakalungkot at nakaka­hinayang na after 19 years ay naghiwalay ang mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Lima ang anak nila, isa rito’y anak ni Harlene kay Direk Rico Gutierrez. Itinuring ni Romnick na parang tunay na anak ito.

Walang ibinigay na dahilan sina Romnick at Harlene ng kanilang hiwalayan. Nakikiusap sila na iga­lang ang kanilang privacy.

Ang ganda pa naman ng love story nina Romnick at Harlene. Nagkasama sila at nagka-in-love-an sa “That’s Entertainment.” Nang ip­areha si Rom­nick kay Sheryl Cruz at tinang­gap ang ka­nilang love team ay nag­kahi­walay sila ni Harlene. Suffer in silence ang drama noon ni Harlene.

Nakarelasyon din ni Romnick ang former actress na si Beth Tamayo na US-based na ngayon. Naging boyfriend naman ni Har­lene si Direk Rico Gutierrez at nagkaroon sila ng isang anak.

After 12 years ay nagkabali­kan sina Romnick at Harlene. Nagpakasal sila. Walang forev­er dahil after 19 years ay naghi­walay sila. May third chance pa kaya sila?

 

Thankful

Sa December na ang kasal ni Christian Bautista sa fiancée niyang si Kat Ramnani sa Indo­nesia. Dalawang anak lang ang plano nila dahil mahirap daw ang buhay ngayon.

Thankful si Christian na su­nud-sunod ang shows niya sa GMA7. Katatapos lang ng “The Clash” at mapapanood naman siya sa “Studio 7,”upcoming weekly musical-variety show na magsisimula sa October 14 at 7:40 pm.

May shows pa si Chris­tian here and abroad.

Share This Article