Isang kumpirmasyon?

Tempo Desk
1 Min Read

 

john&poem

USAP-USAPAN ngayon si John Lloyd Cruz dahil sa Instagram post niya nitong Lunes lang.

Ito’y isang maiksing tula na sabi nang mga nakabasa ay tila kumpirmasyon ng kanyang pagiging ama.

Simpleng sulat kamay lang ang tula na nagsasaad ng mga linyang:

“Mangmang pagdating sa’yo

Sa iisang tunog mong taglay

Sa kaaya-ayang sorpresa ng paglapit mo

Sa imahe ng kalayaan na tiyak iwinawaksi mo

Sa perpektong hubog ng iyong galaw

Sa lupa

Sa ere

Sa tubig

Sa’yong talentong alingawngaw ng isang ina

Sa’yong malabalong papel sa ating nakaratay nang sistema

Ako’y mangmang pagdating sa ‘yo

Ang paulit-ulit mong huni ay kalinga sa aking mapagisang katahimikan

Mga Ibon Para Kay Elias Oktubre 1, 2018”

Una rito ay napabalita na na ang pinangalan ng aktor at ng partner nitong si Ellen Adarna ang kanilang supling ng Elias Modesto.

Is this it? (Delia Cuaresma)

Share This Article