2 estudyante tiklo sa droga

Tempo Online
1 Min Read

By Liezle Basa Iñigo

ILAGAN, Isabela – Dinampot ng pulis dito Linggo ang dalawang menor de edad na lalaki matapos silang mahulihan ng droga.

Ayon sa pulisya, nahuli ang dalawang 17-anyos na diumano’y mga tulak bandang alas-8 ng gabi sa Brgy. Malalam makaraang makipagtransaksyon ang mga ito sa isang undercover agent.

Hindi na nakapalag ang dalawa ng bigla silang posasan ng kanilang katransakyon.

Nasamsam sa kanila ang dalawang bungkos ng marijuana.

Ani pulisya matagal na nilang minamanmanan ang dalawa na kilalang source ng marijuana sa lugar.

Madalas daw katransaksyon ng mga ito ang mga kapwa nila estudyante.

Share This Article