Kelot iniwan, nagpatiwakal

Tempo Online
1 Min Read

By Anthony Giron

IMUS, Cavite – Isang fish vendor ang natagpuang nakabitin sa kisame ng sarili nitong bahay sa Barangay Sto. Niño II, Dasmariñas District, Miyerkules.

Pilit pang itinakbo ng kanyang mga kaanak sa ospital ang 22-anyos na si Mark Jonvic Miranda Borres, nguni’t hindi na ito umabot doon ng buhay.

Ayon kay SPO1 Michael D. De la Peña, imbestigador, nadiskubre ang pagpapatiwakal ni Borres bandang alas-3 ng hapon, mga dalawang oras matapos itong sitahin ng kanyang kinakasama na kinilala na si Ariane Penalba, ukol sa madalas nitong pag-inom.

Nauwi sa mainitang pagtatalo diumano ang usapan, hanggang sa tuluyan ng nilisan ni Penalba ang bahay.

Share This Article
Leave a Comment