Wanted man tiklo

Tempo Online
1 Min Read

By Hans Amancio

Arestado ang isa sa most wanted personalities ng Sta. Ana Police Station (PS-6) sa isinagawang operation noong Linggo sa Sta. Ana, Manila.

Ayon sa police, inaresto si Raymart Agminario, 27, ng 2040 Pilar Estate corner A. Francisco St., Sta. Ana, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Tita Alisuag ng Manila Regional Trial Court Branch 1 noong January 22, 2018.

Sinabi ng police na Top 6 si Agminario sa listahan ng most wanted dahil sa kasong pagnanakaw.

Share This Article
5 Comments