Mas pinili ni Winwyn Marquez ang acting career kesa sa pangarap niyang maging beauty queen. Ipinagpaliban niya ang pagsali sa Bb. Pilipinas 2017 dahil binigyan siya ng GMA ng isang project na hindi niya kayang palampasin.
Matapos siyang mag-guest sa katatapos na “Encantadia,” isinama si Winwyn sa isang bagong fantaserye. “Mulawin vs. Ravena “kung saan isang mahalagang role ang ginagampanan niya.
Ipinagpaliban din ni Winwyn ang pagsali sa Miss World 2017 dahil maaapektuhan ang taping niya. Sa July na ang presentation at sa October ang grand coronation night. Wala na siyang oras para paghandaan ang presentation dahil may conflict sa taping days niya.
Hopefully, next year ay makakasali si Winwyn sa Bb. Pilipinas. Nag-join na siya in 2015. Pero “thank you” girl lang siya. Si Pia Wurtzbach ang nanalo na nasungkit din nito ang Miss Universe crown.
Itinanggi naman ni Winwyn na engaged na sila ni Mark Herras. Gusto muna niyang maging beauty queen bago sila magpakasal. Naiintindihan at suportado siya ng kanyang boyfriend sa pangarap niyang ito. (Rowena Agilada)
97123 812792The next time I just read a weblog, I actually hope which it doesnt disappoint me up to this one. Get real, Yes, it was my choice to read, but I personally thought youd have something fascinating to convey. All I hear can be a handful of whining about something you could fix in the event you werent too busy trying to find attention. 920458