2 fires hit Muntinlupa

Tempo Online
1 Min Read

Dalawang magkakahiwalay na sunog ang tumama sa Muntinlupa City kahapon.

Unang sumiklab ang apoy sa manufacturing plant ng printing ink company na CDI Sakata Inx Corp. bago mag-7:30 a.m.

Umabot sa third alarm ang sunog na nagsimula umano sa paint mixing area bago ito naapula ng 9:10 a.m.

Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog.

Pagdating ng pasado 2 p.m., nasunog naman ang ilang mga bahay sa Bautista St. Umabot sa fourth alarm ang sunog bago ito naapula before mag-4 p.m. (Jonathan M. Hicap)

Share This Article
164 Comments