Higit 500 jobs sa OSYs

Tempo Online
1 Min Read

May 557 out-of-school youths (OSYs) mula sa Tarlac ang nabigyan ng pag-asang makapagsimula ng kanilang sariling negosyo matapos makatanggap ng halagang R779,800 tulong-pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment (DoLE).

Sinabi ni DOLE Region III Director Atty. Ana Dione na ang mga OSY-beneficiaries ay ang ikalawang batch ng trainees na nagtapos sa ilalim ng Project HOPE o ang Hone Out-of-school youth to be Productive and Empowered Project.

“Ang Project HOPE ay isang scholarship program na sinimulan ng Eduardo Cojuangco Foundation, Inc. (ECF) sa pakikipag-tulungan ng DoLE, na nagbibigay ng technical, vocational at entrepreneurial training sa mga kabataan upang maging produktibong manggagawa,” ani Dione.

Share This Article